Posts

Showing posts from March 6, 2016

[LYRICS] KZ Tandingan feat. Jay-R 'Laban Pa'

Verse1 (KZ):  Parang wala ng pagkakaunawaan.  Walang pagbigayan.  Sa panahong ito, ito, ito.  Parang wala ng nagmamahalan.  Wala ng “ikaw”. Wala ng “tayo”.  Puro na lang “ako, ako, ako”.  “Gusto ko”. “Kailangan ko”.  “Bigyan mo ko (ng galang)”.  “Karapatan ko inapakan mo”.  “Ayoko na sa’yo”.  Wala ng usapan.  Para bang isang bula lang.  Na mawawala na bigla.  Ang lahat ng pangakong binitawan.  Mas madali kasi bumitaw lang. Pero... Pre-Chorus (KZ):  Sadyang mahirap iadya  ang pagmamahal na talagang tapat.  Puwes sino may sabi madali ‘yan?  Bago ka sumuko gawin mong lahat.  Gawin mong lahat. Kahit ang bigat.  Gawin mong lahat.  Sapagkat kung hindi parin sapat.  Malamang hindi mo pa nagawa. Chorus (KZ):  Laban laban pa. Laban laban pa. Laban laban pa.  Hangga’t may hininga. Laban laban pa.  Laban laban pa. Laban pa.  Basta’t para sa pagmamahal.  Dapat lumaban ka. Verse 2 (KZ & JAY-R):  Bakit wala kang hin

LYRICS | Jona 'Maghihintay Ako'

Ooh...Yakapin mo ako ng mahigpit,  bago ka umalis, hmm... Hawakan mo ang aking kamay.  At muli mong hagkan, bago ka lumisan.  Maari bang sabihing muli.  Na ako lang ang 'yong mahal.  At wala nang ibang hahadlang, hmm...  Sa ating pagmamahalan. Chorus 1:  Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik.  Nandito lang ako. Ano man ang mangyari.  Baunin mo sa'yong pag-alis.  Mga ligaya ng nakaraan. Maghihintay ako. Coda:  Bakit pa ba kinakailangan na  ikaw ay lumisan.  Upang abutin. Pangarap natin.  Ako'y umaasa at nagdarasal na  tayo'y muling magsasama. CHORUS 2: Maghihintay ako sa'yong pagbabalik.  Nandito lang ako. Ano man ang mangyari.  Baunin mo sa'yong pag-alis.  Tibay ng damdamin at pagmamahal.  Mawawala ka man. Dito sa'king tabi.  'Di ko ‘pagpapalit. Ang ating pag-ibig.  Mananatiling tapat sa pangako, handang maghintay.  Sa gitna ng lumbay. Maghihintay ako.  Maghihintay ako. Maghihintay

[LYRICS] Juris 'Bibitawan Ka'

Heto na ang hinihintay mong mga salita.  Kahit anong pilit ko. Tanggap ko na.  Wala ka na, wala ka na.  Siguro nga hindi talaga tayo tinadhana.  At ang lahat ng ating mga ala-ala.  Ay ala-ala na lang. Chorus:  Kaya heto na. Sasabihin ko na.  Bibitawan ka.  Alam kong kailangan mo nang lumaya.  Kaya sasabihin ko na.  Paalam na. Bibitawan ka. Mahal kita. Ang lahat ng mga pangarap nating dal’wa.  Kakalimutan na para sa’yong kaligayahan sinta.  Siguro nga hindi talaga tayo tinadhana.  At ang lahat ng ating mga ala-ala.  Ay ala-ala na lang. (Repeat Chorus) Coda: At kung mayr’on akong lugar sa puso mo.  Alalahanin mong nandito lang ako.  At kung walang pag-asa sa’ting dalawa.  Nawa ikaw ay sumaya. Woh~ (Repeat Chorus) Paalam na. Bibitawan ka. (Repeat 2x) Mahal kita…

[LYRICS] Kyla, Kris Lawrence 'Monumento'

Kyla:  Ikaw ang sumisindi  sa aking napupunding pangarap.  Lalong tumitindi  ang apoy ng pagsisikap.  Ako ang pinipinta larawang sinisintang hangarin.  ‘Di mo iniinda ang pahirap sa damdamin.  Hulog ka ba ng langit.  Tila anghel ka na walang kasing bait.  Palaisipan kung bakit. Datapwat subalit.  Mahiwaga nga ang pag-ibig. Chorus:  Konting bato, konting semento.  ‘Di pa rin kuntento.  Para ipakita ang pagmamahal sa’yo.  At parang santo sa kumbento.  Bidang star sa kuwento.  Idol ka, taas kamay ako sa’yo.  Ikaw ang dakila, syento porsyento.  Hayaan mo’t ipagtatayo kita… Ng monumento. Vamp: Mento, mento, mento. Mo-monumento. Mento, mento, mento. Kris:  Sa dami ko nang sablay  at dami nang pasaway na banat.  Ang dapat sa akin ay… sa presinto na lang magpaliwanag.  Buti na lang wagas kahit na ang dalas magkulang. ‘Di ka nababanas pangiti-ngiti ka lamang. Parang nananaginip.  Ayaw gumising na sa pagkakaidlip.  So

[LYRICS] Janella Salvador, Marlo Mortel 'Mananatili'

‘Di na gumising.  Magmula nang ika’y naging laman nitong panaginip.  O biglang tumigil.  Ang oras magbuhat nang Ika’y natala sa’king isip. Refrain:  Nandito na ngunit hindi maamin.  At hanggang sa aking muling pag idlip. Chorus:  Laging mananatili sa labi.  Mga ngiting naiwan.  Nang sandaling masilayan ka.  Sa puso’y mananatili. Bakit ‘di mapigil.  Damdami’y tuwang tuwa.  Sa bawat saglit na kapiling.  Panong sasabihin.  Pagsinta’y umaapaw.  At ‘di sapat aking tinig. (Repeat Refrain and Chorus) Na kapiling ka.  Iniingat-ingatan o aking sinta.  Dinadalangin sa bawat gabi ay ikaw. Laging mananatili sa labi.  Mga ngiting naiwan .  Nang sandaling masilayan ka.  Sa puso’y nandito palagi. Mananatili sa labi.  Mga ngiting naiwan.  Nang sandaling masilayan ka.  Sa puso’y mananatili.

[LYRICS] Itchyworms 'Dalawang Letra'

Oo, Oo, Woah, Oo, Woah.  Hindi ko malaman, kung saan pupunta.  Ang tono nitong kanta, pababa, pataas tumatalon talon.  ‘Di maipaliwanag kung paano ba ang aking gagawin.  Para ma-win. Para ma-win ko ang 'yong puso na kay hirap sungkitin.  Magsisibak ng kahoy at ika'y pag-iigib.  Lahat ng 'yong naisin ay handa akong i-give.  Gagawin ko ang lahat, baka sakaling sa wakas ay marinig. Yung dalawang letra, yung isang salita.  Na pinapangarap ko, oh please sabihin mo na.  Walang mga panga-pangako, isa lang ang sigurado.  Ang puso ko'y sa'yo, sagutin mo lang ako ng... Chorus:  Oo, oo, woah. Oo, oo, woah.  Sige na please, wag mainis,  gusto ko lang ng matamis mong. Oo, woah. Buksan mo na, buksan mo na ang 'yong bintana.  At dungawin ang humaharanang.  May dala pang bulaklak at tsokolate.  Nagbabakasakali na ngayong gabi ako ay swertehin.  At ’di barilin. At ‘di barilin ng 'yong tatay na nakaabang na rin . Liligawan

[LYRICS] Morissette 'Diamante'

Matagal ko nang inaasam ang tunay,  totoong kumikinang na pag-ibig.  Kaliwa’t kanang huwad pala ang kulay.  Ng mapagsamantala nilang daigdig. At nang sumilay ang sinag.  Na parang araw ang sikat.  Nagniningning, umiilaw.  Walang iba kundi ikaw. Chorus: Diamante, ang pag-ibig mo.  Kampante, diyan sa piling mo.  Diamante, tulad ng bituin.  Brilyante, sa aking paningin.  Siyang hulog ng langit.  Sagot sa dalangin.  Iba ka talaga. Pinakamahalaga...  Sa’kin. Kislap ng ‘yong liwanag ay...  Busilak mong tinataglay.  Nililok sa pagmamahal.  Matibay at magtatagal. (Repeat Chorus) Woah-oh-oh-oh, oh-oh-oh (4x) Siyang hulog ng langit.  Sagot sa dalangin.  Iba ka talaga.  Pinakamahalaga... Sa’kin. Matagal ko nang inaasam ang tunay.  Totoong kumikinang na pag-ibig.

[LYRICS] Angeline Quinto, Michael Pangilinan 'Parang Tayo Pero Hindi'

Michael:  Ano pa ba’ng hanap?  ‘Di ba’t wala naman hadlang?  Higit sa magkaibigan.  Ngunit damdami’y may puwang.  Angeline:  ‘Di ko malaman kung anong mayro’n sa atin…  Hindi masabi kung ikaw nga ba ay akin? Both (Chorus 1):  Parang tayo, pero hindi.  Natatakot na magkamali.  Nabubulag at nabibingi.  Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?  Kaya’t puso’y ‘di mapakali.  Nagtitiis kahit may pait sa ganitong… Parang tayo… Pero hindi. Parang tayo… Pero hindi. Michael:  Lagi nang ‘di napapansin.  Ang orasang kumukumpas.  At sa tuwing magkasiping.  Tila ang init ay wagas.  Angeline:  Ngunit bakit pagdurusa’y ‘di mapawi?  Ang isip ay litong-lito at ‘di mawari! Both (Chorus 2):  Parang tayo, pero hindi.  Natatakot na magkamali.  Nabubulag at nabibingi.  Bakit okay lang na parang tayo,  pero hindi? Kaya’t puso’y ‘di mapakali.  Nagtitiis kahit may pait sa ganitong. Bridge:  Parang kay daming dahilan.

[LYRICS] Daryl Ong 'Minamahal Pa Rin Ako'

Inaamin ko.  Ako’y nagkulang sa’yo.  ‘Di binigyang halaga. Ang ‘yong damdamin.  Binalewala ang lahat sa atin. Chorus:  ‘Di ko inakala na.  Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago.  Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo.  Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako. Patutunayang muli.  Itatama ang pagkakamali.  Nasayang na panahon.  At pagkakataon.  Ibabalik ko ang kahapon. ‘Di ko inakala na.  Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago.  Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo.  Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako. Bridge:  Umaasa sa pangako mo.  Na kailanma’y ‘di susuko.  At ‘di ka lalayo. ‘Di ko inakala na.  Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago.  Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo.  Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako. Kahit paulit-ulit na sinasaktan ang puso mo.  Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako.

[LYRICS] Klarisse De Guzman 'Sana'y Tumibok Muli'

Paano ba pipilitin?  Paano ba gigisingin?  Isang natulog na at nasawing damdamin.  Nais ko mang buhayin, pag-asang mithi pa rin.  Bakit ayaw ngumiti, nitong aking damdamin? Paano ba sasabihin, na wala ng pagtingin.  Kahit aking pilitin puso’y namamanhid pa rin.  Ano kaya ang gagawin, ng pusong sawa na rin.  Ngayong bumabalik ka na’y,  walang maramdaman giliw… Chorus:  ‘Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo.  Pilitin ko mang ibigin ka ay hindi ko na kaya.  Bakit kasi sinaktan mo ako ng labis labis.  Ngayo'y wala na nga..Pag-ibig na laan sa’yo…  Sana... Bakit ba pipilitin? Ano ang aking gagawin?  Pagmamahal sa iyo dati’y, hindi naman pinapansin… (Repeat Chorus) Bridge:  Ngunit kung dumating ang panahong gumising na.  Nananahimik na damdamin, ay muling buksan pa...  Sana ay naghihintay ka pa rin, sa akin sinta.  Kasi nama’y alam mo ring.. minahal kang...  Talaga... (Repeat Chorus) Sana’y tumibok muli… Ang puso kong

[LYRICS] Nyoy Volante 'Patay Na Si Uto'

Ang puso koy nalinlang.  At ‘di ko na mabilang  kung ilang ulit mo nang pinaglaruan.  A ng damdamin ko. Bigla na lang iniwan mo.  Kung muli kang babalik. Muka mo! Chorus:  Hindi mo na maloloko.  Sinira ang tiwala ko.  Hindi mo na mabibilog ang ulo ko.  Hindi mo na masasaktan  hindi ka na pagbibigyan.  Lokohin mo ang lelang mo Patay na si uto. Ubos na ang pasensya.  ‘Wag ka ng humirit pa.  Ayoko ng makita ang kapal ng ’yong muka.  Pagkatapos mong ipagpalit sa iba.  Ngayon ay bumamabalik. Ayoko na! Chorus:  Hindi mo na maloloko.  Sinira ang tiwala ko.  Hindi mo na mabibilog ang ulo ko.  Hindi mo na masasaktan, hindi ka na pagbibigyan.  Lokohin mo ang lelang mo patay na si uto. Bridge:  ‘Di na ako uto-uto.  Na paulit-ulit na pinapaikot mo.  ’Di na ako uto uto  na sinasaktan mo lang  sa kabila ng katapatan ko sa’yo ooh... Chorus:  Hindi mo na maloloko.  Sinira ang tiwala ko.  Hindi mo na mabibilog ang ulo

[LYRICS] Jolina Magdangal 'Tama Lang'

‘Di mahirap, ’di mayaman.  ‘Di kapangitan, ’di kagandahan.  ‘Di matanda, ’di rin bata.  ‘Di kumplikado, ’di ordinaryo. Chorus:  Kung papalarin na maging tayo.  Tunay bang umibig, handa bang mabigo?  Ang mahalin mong minsan kahit ‘di kailanman.  Para sa'kin ay tama lang. Ang ’di malakas at ang ‘di mahina.  Pagtatagpuin ba ng tadhana? Di ga'nong labis, ’di ga'nong kulang.  Ang ikaw at ako'y sadyang tama lang. Chorus:  Kung papalarin na maging tayo.  Tunay bang umibig, handa bang mabigo?  Ang mahalin mong minsan kahit ‘di kailanman.  Tama lang na tama lang. ‘Di simula, at ’di wakas.  ‘Di man ngayon, maaring bukas. Matutupad ang 'sang pangarap.  Matatanggap ang aking lahat. Kung papalarin na maging tayo.  Tunay bang umibig, handa bang mabigo?  Ang mahalin mong minsan kahit ’di kailanman.  Ang tayo ay tama lang.  Tama lang ang tama lang.

[LYRICS] Kaye Cal 'Nyebe'

Hindi ko maintindihan.  Pag-ibig mo’t kapatawaran.  Pag-ibig na di mapantayan.  Hinding hindi mo ‘ko iniwan. Pre-Chorus:  Sino ba naman ako.  Ako’y ‘di karapat dapat.  Sino ba naman ako.  Upang mahalin ng ganito. Chorus: Ako’y kulang ngunit pinuno mo ng pagmamahal.  ‘Di mo kawalan ngunit ang sabi mo.  Ako’y iyong yaman. Ako’y binago mo.  Ikaw ang buhay ko.  Walang katulad mo sa mundo.  Panghahawakan ko’ng pag-ibig mo.  Sa’yo lamang ako. Kahit maramot kong isinasarili.  Tinalikuran't di ka pinili.  Hangin lamang salita ng aking labi.  Subalit pag-ibig mo pa rin naghari (Repeat Pre-Chorus and Chorus) Rap: Walang sino man ang katulad mo  natatangi ang pag-ibig m o kulang ang kahit ano-anong salita ng pasasalamat.  Bakit pag-ibig mo lamang sakin ang nagpamulat.  Binuksan ang mga mata ng aking puso  kita ko na ang tunay na kulay; anyo ng mundo.  Hinding hindi na ako lilisan sa piling mo.  'Yan ang ika-lulumpo

[LYRICS] Ylona Garcia ft. Bailey May 'O Pag-Ibig'

Oh oh pag-ibig (Repeat 4x) Ylona:  Bakit ganito ang nadarama.  Makita lang kita ng isang saglit.  Ang araw ko ay buong buo.  Sa gabi ikaw ang panaginip. Pre-Chorus :  Dahil sa iyo. Puso ko’y sumasayaw.  Isip ‘di mapakali. Ngiti ay laging nasa labi. Chorus 1: Nakakakaba. Nakakaaliw.  Nakakakilig. Nakakabaliw.  Napapakanta. Napapaisip.  Napapangiti. Nakakabaliw. Oh oh pag-ibig (Repeat 4x) Bailey:  O ano itong aking nadarama.  Marinig ang boses mong kay tamis.  Ang araw ko ay puno ng musika.  Sa gabi ikaw ang nasa isip (Repeat Pre-Chorus and Chorus 1) Chorus 2:  Nakakakaba. Nakakaaliw.  Nakakakilig. Nakakabaliw.  Napapakanta. Napapaisip.  Napapangiti. Nakakabaliw. Nakakatuwa.  Nakakagigil. Nakakakilig.  Nakakabaliw. Nakakakaba.  Nakakaaliw. Nakakakilig.  Nakakabaliw.

[Lyrics] Barbie Almalbis 'Ambon'

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo  kapag nakikita ang iyong ngiting  kasing liwanag  ng araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang  tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas.  Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo.  Ngunit diyan, umaambon lamang. Chorus:  Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik.  Ngunit nalulunod pa rin.  At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig  mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo,  kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito? ‘Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama.  Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam.  Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo.  Ngunit diyan, umaambon lamang. Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik.  Ngunit nalulunod pa rin.  At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig  mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo,  kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito? Paano ba patitigilin ang pagbuhos