LYRICS | Ebe Dancel 'Bawat Daan'

Sa pagkumpas ng 'yong kamay
Ang aking landas, ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak, at pagluluksa

Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, gitna't simula
Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)
Nahanap kita

At maligaw man at mawala
Umikot man sa kawalan
Sa bawat kailan, sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan

Bawat kanan at kaliwa
Kanluran man o hilaga
Ang bawat daan ko ay patungo
Pabalik sa 'yo

Kay tagal nang lumulutang
Walang pupuntahan walang dahilan
Parang ulap na walang dalang ulan
Kamang walang kumot at unan

Bihag ako ng pagtataka 
May saysay ba ang paglalakbay 
Ngunit nahanap din kita 
Nahanap kita 

At maligaw man at mawala 
Umikot man sa kawalan 
Sa bawat kailan, sino't saan 
Ikaw lamang ang kasagutan 

Bawat kanan at kaliwa
Kanluran man o hilaga
Ang bawat daan ko ay patungo
Pabalik sa 'yo 

Kay tagal kong naghintay 
Kung ang puso ko ay imamapa 
Ikaw ang dulo, ang gitna't simula 

Kay tagal kong naghintay 
Ikaw (ikaw)
Ikaw (ikaw)

Comments

Popular posts from this blog

LYRICS | Sue Ramirez 'Magmahal ng Iba'

LYRICS | Christian Burrows 'Thunder Buddy'

LYRICS | Coeli 'This Heart'