LYRICS | Cookie Chua, Bayang Barrios, The Benjamins 'Tinatangi'

Sa paghinga bawat tingin
Silip sa nais sabihin
Pagbangon tayo’y ba-byahe rin
Pag-ibig lang ang dadalhin
Oh oh 

Pagmulat ng ating araw (ikaw ang tinatangi)
Sa bukas na tinatanaw (ikaw ang tinatangi)

Oh oh…

Sa ating paglalakbay o hawak ang iyong kamay
At kung sakaling mawalay ang puso ang ating gabay
 (ang puso ang ating gabay)
Pagyakap ng dapithapon (ikaw ang tinatangi)
Subukin man ng panahon (ikaw ang tinatangi)

Oh oh… wala nang nanaisin
Oh oh… kundi ikaw ay makapiling

Ikaw ang silong sa init ng araw
At ilaw sa dilim ng gabi 

Sa pagputi ng iyong buhok
Bawat kulot, bawat hibla
Ng buhay nating sinubok ay saksi ng pagsinta

Kapag gabi ay dumating (ikaw ang tinatangi)
Sa buwan at mga bituin (ikaw ang tinatangi)
Sa bawat pagkakataon (ikaw ang tinatangi)
Ngayon, bukas at kahapon (ikaw ang tinatangi)

Oh oh… wala nang nanaisin
Oh oh… kundi ikaw ay makapiling

Sa paghimlay bawat tingin 
Silip sa nais sabihin 
Tahan na aking mahal
Pag-ibig lang ang tatagal

Comments

Popular posts from this blog

LYRICS | Sue Ramirez 'Magmahal ng Iba'

LYRICS | Christian Burrows 'Thunder Buddy'

LYRICS | Coeli 'This Heart'